Bahay
By: Herbert Curia
Dito ko naiisip ang mga bagay na ito at
aking napagtanto ng mabalitaan ko ang isang demolisyon sa lunsod ng
Maynila. Akoy nahabag at naawa sa kinasapitan ng mga taong ito na
naging busabos at tinataboy sa sariling bansa at lupain o lupang
sinilangan. Hamak at kaawawa mga nilalang na sumapit ng ganitong mga
kalagayan….
Bahay iyan ay isang awitin ng isang
magaling na kompositor na sa kanyang awitin ay hinango nya ito sa
kanyang mga pakikisalamuha upang patunayan na ang barong barong ay isang
bahay…..nakaka-luha ang kantang ito pag iyong narinig at kung iyong
iisipin ang itsura at sinasapit ng may ganitong pamumuhay at ikaw ay
magtatanong lalot hindi mo pa nararanasan at makisaluha sa ganitong
buhay….







