Social Icons

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail

Monday, June 2, 2014

Bahay


Bahay
By: Herbert Curia

Dito ko naiisip ang mga bagay na ito at aking napagtanto ng mabalitaan ko ang isang demolisyon sa lunsod ng Maynila.  Akoy nahabag at naawa sa kinasapitan ng mga taong ito na naging busabos at tinataboy sa sariling bansa at lupain o lupang sinilangan.  Hamak at kaawawa mga nilalang na sumapit ng ganitong mga kalagayan….

Bahay iyan ay isang awitin ng isang magaling na kompositor na sa kanyang awitin ay hinango nya ito sa kanyang mga pakikisalamuha upang patunayan na ang barong barong ay isang bahay…..nakaka-luha ang kantang ito pag iyong narinig at kung iyong iisipin ang itsura at sinasapit ng may ganitong pamumuhay at ikaw ay magtatanong lalot hindi mo pa nararanasan at makisaluha sa ganitong buhay….

Isang araw ng aking mabasa sa isang pahayagan ang isang istorya ng demolisyon kung saan ay marami ang pinapalayas at inaaboy ng gobyerno mula sa lupang kinatitirikan nila sa kadahilanang itoy hindi sa kanila at ang ating gobyerno’y nangangatwiran ng pagunlad at pagsasaayos, subalit datapwat di ba sila rin dapat ang tagapagtanggol ng mga taong ito lalo na’t inaapi sa lipunan at ginagawan ng masama.  Animoy mga kriminal ang mga dinedemolisyon na squatter kung ating tawagin at dun natin makikita ang ibat ibang klase ng bahay, ang sinasabi sa awitin at kung ano-ano pa….

Squatters area, ibat ibang klase ng istrukturang may masilungan man lamang sa ibat ibang parte ng kamaynilaan at maging sa probinsya man, andyan ang barong barong na pinagtagpi tagping basura at karton, mga bubungan na di mo mawari at gewang gewang na haligi  na kapag bumuhos ang ulan ay siguradong ang mga anak mo’y lalagnatin at sisipunin sa ginaw at kasamaang palad ay mapupulmonya pa at ikamatay nito at ito ang bahay na ating sinasabi na nakatirik sa squatters.

Ito ba ang pamumuhay ng isang pinoy, iyan ang masaklap nating pamumuhay sa bansang ito ang mabilang sa ganyang pamumuhay ang iba’y umaasa sa tawid kapamilya program upang may makain ang pamilya at makapag-aral ang mga anak.  Hirap sa buhay, walang matibay na bahay idedemolished ka pa, ganyan kasaklap ang buhay sa bansang ito….

Nasaan ang Gobyerno habang kumakain kayo ng anak mo sa isang barong barong na pinagtagpi tagpi halos tumulo ang luha mo sa kakulangan sa pagkain ng mga anak mo na may sakit pa sa hindi maibigay na trabaho ng gobyerno at sapat na kita sa mga hindi edukadong mga maralita pagkatapos habang ikay naluluha at hinahanap ang kalinga ng gobyernong may pagasa pa at biglang may wawasak sayong pintuan at pagtatadyakan ito me tamaan man o wala at iyong mabanaagan ang tinig ng mga ito na tiga gobyero, isa na pala itong demolishment kay pait ng buhay ang gobyernong ating sasandalan ay siya pang sisila sa ating kahirapan.

Anong puso at kaisipan mayroon ang mga opisyal ng gobyernong ito upang gawin ang mga ganitong hakbang….Saan at Ano ang Problema bakit hindi masulusyonan ang pabahay na problema ng lipunang Pilipino. Ayon nga sa kanta “samantalang sa isang mansion ay walang nakatira” at pawang ito ngay totoo sa isang balita na aking nakalap na isang opisyal ng gobyerno ang nagmamayari ng maraming property na kasalukuyang nililitis at isang dating opisyal na nagmamayari ng mansion na ganito din ang sinapit ay halos amagin at mabulok na ang ang kanyang mansion ay parang bale wala lang sa dami ng pera nito.  Bakit ang mga opsiyal ng gobyerno ay may naglalakihang mansion samantalang napakaraming squatters ang nangangailangan ng matinong pabahay….

Ano mayroon ang trabaho sa pilipinas at kabuhayan at may Mansion at may barong barong.  Ang matalino ba? at swerte sa negosyo ay siyang may mansion? at yung bobo at malas ang nasa squatters? Anong sistema ng gobyerno ang dapat upang maging pantay sa ganito o upang hindi magkaroon ng mga umusbong na squatters o unemployed o walang kabuhayan….May naging mabuti na bang sistema at pamamahala ang gobyerno upang ang pilipino ay magkaroon ng progreso ang pamumuhay. Mulat simula’y wala at palaging simula ang katwiran ng gobyerno palaging walang pera o budget para duon at para dito para ke pedro o ke petra.…Subalit ang mga opisyal ng gobyerno ay nabibilaukan sa busog sa pagkain at nagtatumbling ng kanilang mga kabet sa kanilang mga mansion.

Pa-Bahay ito ang sigaw ng maralitang tagalungsod at gayundin sa ibat ibang kapuluan.  Anong klaseng kabobohan mayroon ang ating gobyerno at usapin lang ng pabahay ay inuugatan pa sila. Pa-Bahay at trabaho iyan ang isang malaking problema ng gobyerno na ibibigay sa tao.  Anong sistema upang makamtan ang equation ng pamumuhay na ito.

Demolisyon ang naging tugon ng Gobyerno sa mga squatters at halos walang pagkakitaan na walang sariling lupa.  Bahay, Bahay at lupa at trabaho iyan ang ibigay ng gobyerno hindi demolisyon at pangaapi at pagwasak ng dignidad ng mga dukhang ito.  Karapatan, karapatan para sa lahat, karapatan para sa maayos na pagkain, tirahan at damit at higit na nangangailangan ng karapatang ito ang mga maralita naghihirap sa sariling bansa samantalang ang mga dayuhan ay nagpapasasa sa ating yaman hindi lang yaman pati ang puri ng mahihirap ay kanilang pinagpapasasaan kung saan ay kinasasadlakan ng mahihirap.
Habag at Puso naman ay kailangan pang ipanawagan upang karapatan ay ipatupad at ipamahala.  Kay hirap mabuhay sa Bansang Pilipinas lalot namulat ka sa mundo ng squatters.

Bahay ang hirap mamulat ng walang bahay at sa tagpi tagping basura duon tayo namulat hindi lamang sa may sitwasyon nito kundi sa ating bansang ito na may ganitong bahay, Bahay para sa walang Bahay, ibigay ang karapatan hindi pangaapi at pagdusta sa kahirapan, ang buhay ay bilog minsan ay nasa itaas at minsan ay nasa ibaba minsan ay makapangyarihan ka minsan ay aping api ka, maging parehas tayo kahit saan mang oras..….

Ayon sa Senador na nasa awitin Talagang bahay nga raw iyon na pinagtagpi tagping basura at karton, Sanay madinig ng mga Bantog na Senador ang awiting iyon at mensaheng ito at sa kanilang mga batas ay maisip nilang lahat ng Pilipino ay hindi na tumira pa sa barong barong o squatters.  Madaling ipasa kung gagawin bastat isipin na lamang nila ang awiting iyon at mga demolisyon…..
End…..

By: Herbert Curia

      Stories of Poverty and Remedies


No comments:

Post a Comment

 

HUMAN RIGHTS

LABOR DAY RALLY

SOCIAL JUSTICE

SOCIAL JUSTICE

WEF PROTEST

Bayanihan

Bayanihan

Equal Justice

Equal Justice

DEMOKRASYANG BOSES

DEMOKRASYANG BOSES

STOP ABUSES IN PHIL'S

STOP ABUSES IN PHIL'S